Thursday, 25 June 2015

Day 9 at PUP QC :)

June 24, Wednesday

IKA-9 na araw sa sintang paaralan. Kung tatanungin mo ko kung nasaan yung days 3-8, aba'y ewan ko. Hahaha. Tinamad lang ako mag-update. Pwede ko naman siguro ikwento yung summary sa pagkakataong ito.

Eto na. May mga bago kaming dating na kaklase kaya sa kasalukuyan, 60 na kami sa sintang silid-aralan. May mga gawaing bahay syempre. May grouping na para sa reporting. At may advance announcement na ng bigating project, yun ay ang mag-interview ng businessman. The more the merrier, ika nga nila. Kaya kailangang makarami, katumbas nyan ang markang inaasam at pagpupunyagi sa huli Mayroon na ring mga quizzes sa Math at English. At sigurado akong sa susunod na pagsusulit, kailangan ko pang mas magsunog ng kilay.

May mga nakilala na rin ako higher year level at mababait sila lalo nung nagkaroon ng Council of Leaders General Assembly, nakita ko ang iba't ibang opisyal ng iba't ibang organisasyon. Di maikakaila ang kanilang dedikasyon sa tungkulin.

Noong Linggo ang aming unang araw sa NSTP. May ginanap na orientation. Urban farming ang pinaka-focus ng CWTS bilang paghahanda sa mga di inaasahang kalamidad. Samantala, ang aming ROTC ay super full force dahil puro sila boys. Sabi nga ni Prof. Morales, mas mabuti ng handa ang buong PUP QC kaya namin ito gagawin.

Natutuwa rin ako na nagampanan ko ang aking tungkulin at responsibilidad bilang ingat-yaman ng aming klase. Nakakatuwang isipin na ipagkakatiwala sa iyo ang malaking halaga ng pera ng buong klase. Sabay maririnig mo pa ang papuri sa iyo ng mismong presidente ng klase, e di wow. ( Hi kuya Gab!)

Hindi mawawala sa isang paaralan ang tinatawag na school paper o publication. Sa aking sintang paaralan, tinatawag na Vox Nova ang publication. At natutuwa ako dahil personal kong nakausap ang aming editor-in-chief. Isa iyong pribelehiyo. Bago pa man ako maging isang marketing student, ang gusto ko talagang kuning kurso ay Journalism sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit di kami tinadhana ni dream school eh. Sa Manila campus ako pumasa sa kursong Political Science na sa huling oras ko na napagtanto na di ko kakayanin ang nasabing kurso. Bakit? Kasi hindi ko naman talaga iyon gusto. Pero sa ngayon, I really aim na makasali sa school publication. Mas lalo pa akong na-motivate nang malaman kong may discount sa tuition fee. Hehe. Pero maliban dun, syempre gusto ko talagang maging parte ng publication.

Gusto ko rin ibahagi ang higit isang linggo kong pagtangkilik sa kantina sa loob ng paaralan. Sa halagang bente pesos, may kanin at dalawang ulam ka pa. Mas ganado pang kumain kasama ng mga minamahal na kamag-aral at kaibigan, hindi ba?

Sa loob ng halos tatlong linggo, unti-unti kong mas nakikilala ang aking sintang paaralan. Inaabangan ko na rin ang gaganaping Freshman Orientation sa Sabado, Hunyo 27. Kitakits mga kapatid!

P.S. Eto nga pala ang munting larawan ng magkakaibigan sa Pylon Jr. ng sintang paaralan. Mabuhay!

Wednesday, 10 June 2015

Day 2 at PUP QC :)

June 10, Wednesday

IKALAWANG araw na. Yey! Well, excited ako today kasi favorite subjects ko lahat ngayon. Filipino, Pyschology at English. Ewan ko ba pero may mga pagkakataon na hirap na hirap ako magconstruct ng sentence in tagalog so to make it easy, conyo minsan. Hays. Pero I love Filipino so much dahil napakalawak ng wika natin at sobrang masaya rin pag-aralan.

Lahat ng professors na-meet namin today. May assigned topics for reporting na. Unahan pa nga, by group kasi e. Eto yung pinakachallenge as college student, yung mga group reporting. Hindi na kasi ito yung tulad ng high school na puchu puchu. Manila paper as visual aids tapos permanent marker na minsan naghihingalo pa nga yung gamit, makasulat lang ng report. May mai-report lang kumbaga! Ibang iba ngayong college, syempre dapat paghandaan like a week before palang para alam na alam mo na yung topic mo sa assigned day. Dapat din very presentable, naka-powerpoint presentation. Medyo keri na yan kasi ginagawa na ng ibang strict teachers yan sa high school. At isa pa dahil by group to, mas madali. Mas enjoy. Sabay sabay nyong pag-aaralan e.

Masaya lang ulit today. Yung mga kaklase ko, sobrang masasaya silang kasama. Ewan ko ba! Hahaha. Siguro dahil freshman palang kami at first week pa lang 'to, pa-easy easy pa. Sobrang interesting ng nangyari ngayon dahil nagkaroon na kami ng election of officers for an organization. Nakakatuwa yung style ng question before voting. Pati yung way of voting na nakayuko kami lahat while we raise our right hand. Bakit? Ewan ko!

Very interesting din ung mga professors namin. Lalo yung prof namin sa Psychology, grabe lang nakaka-amaze sya for her age na 66, sobrang active sya. Sobrang dedicated sa work. Tapos yung prof namin sa English, mabait rin sya. At hindi ko alam, pero siguro matatandaan nya ko kasi ako lang raw yung nagsabi na favorite subject ang English at Math (which is true!). Ewan ko rin kung bakit e.
May mga assignment na binigay na rin. Pero dahil once a week lang naman per subject, e di next week ko pa gagawin yon! Hahaha.

After class, may konting paggala pa. Oha! May bonding with friends kaagad!


Day 1 at PUP QC :)

June 9, Tuesday

UNANG araw ng klase namin. Syempre ako handang handa. Parang one week pa lang bago magpasukan hinanda ko na hindi lang yung mga gamit ko kundi pati ang sarili ko. Bakit? Dahil kailangan! Hindi na ako isang high school student na malapit lang ang paaralan, may service pa! Ngayon, mag-isa nalang akong kikilos para sa sarili ko. At dahil sanay naman na rin akong bumiyahe mag-isa, hindi na ako mahihirapan. Excited pa nga ako kasi kaklase ko ulit yung kaklase ko nung highschool. Bakit? Hahaha. Syempre di namin pinag-usapan na magpareho ng kurso. Hahaha. At hindi lang ako excited dahil dun, nakakatuwa rin dahil may mga kakilala na agad ako sa mga ka-blockmates ko.

So, ayun nga! First day ng klase 12pm hanggang 8:30pm. Oha! 3 hours per subject. Partida! Dalawang magkasunod na subject, e di bale 6 hours, diba? Hirap i-compute ha! Tapos 30minutes lang ang break. Syempre... yan yung ineexpect na schedule na susundin namin para sa bawat subject with their corresponding room assignment. Pero good to say,dahil first day pa lang naman, hindi naman nasunod yan dahil maaga kaming dinismiss ng mababait naming prof. 3 subjects dapat, pero dalawang professor palang ang na-meet namin, Pareho silang lalaki. Sa Mathematics in Business (isa sa mga favorite subjects ko), magaling sya. As in magaling sya, nafi-feel ko na sobrang matuto kami sa kanya dahil mukhang masipag talaga syang magturo. So sa klase niya, naglecture lang naman kami agad ng overview sa algebra, axioms of equality at laws of exponents. Kumbaga, review lang naman yon. Pero syempre nakakabigla dahil sa unang araw ko ng pagpasok, nakakakita na naman ako ng x at y! Hindi lang yan! Dahil may seatwork na kaagad! Hindi lang ulit yan! Dahil next next meeting may quiz na agad. Kaiyak lang! Yung professor naman namin sa P.E, sobrang astig nya. Well, first impression ko yan. Para syang action star! Kahawig niya si Joross Gamboa. Pero mukhang strict sya. Sa mga first meeting sa bawat subject, syempre orientation, konting kwento about the prof's life at may introduce yourself. Pinaghandaan ko naman yan kaya keri lang. Hahaha.

Ang pinakamasaya sa lahat, nagkaroon na kami agad ng isang circle of friends. Dose kami sa grupo. Ang daming mala-anghel ang pangalan. Oha! Sa grupo namin, may dalawang lalaki. Sila yung tipong hindi namin inaasahan. Hahaha basta! Pero masaya... masaya talaga yung first day. Ineexpect ko na naman na madali lang kaming magkakasundong mga magkakalase. Ang daming kalog. Ang daming madadaldal. May mga mahihihinhin (parang ako!). Ang daming mababait at madaling kausap. Literal na madaling kausap. Masaya, napaka! Hanggang sa susunod.... :)